Kinumpirma ng kampo ni Manila Mayor Isko Moreno na ito ay tatakbo sa pagkapangulo sa 2022.
Ayon sa Manila City Public Information Officer chief Julius Leonen na magiging katambal nito si Dr. Willie Ong bilang bise presidente.
Pormal nilang iaanunsiyo ang kanilang kandidatura sa Setyembre 22.
Sinabi naman ng campaign manager nito na si Lito Banayo na pinili ng Alcalde si Ong dahil
sa makakatulong ito para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Tiniyak naman ng kampo ni alkalde na patuloy pa rin ang kanilang trabaho sa Maynila at hindi aniya nila hahayaan ang kalagayan ng kaniyang mamamayan.
Nagtapos si Ong ng kaniyang medicinal degree sa De La Salle University at naging dating consultant ng Department of Health.
Magugunitang tumakbong senador si Ong noong 2019 election subalit hindi ito pinalad.