-- Advertisements --

Plano ni Manila City Mayor Isko Moreno na ipagbawal na ang paggamit ng mga face shield.

Ayon sa alkalde na isang pabigat lamang sa indibidwal ang nasabing pagsusuot ng face shield lalo na at nakasuot na sila ng mga face mask.

Tayo na lang sa buong mundo ang gumagamit ng nasabing face shield.

Paglilinaw naman nito na isusunod aniya nitong ipagbabawal ang paggamit face shield kapag marami na ang naturukan ng COVID-19 vaccine o mahigit sa kalahati ang nabakunahan.

Magugunitang ipinagutos ng Department of Health ang paggamit ng face shield bukod sa face mask para maiwasan ang nasabing pagkakahawa ng COVID-19.