-- Advertisements --

Nakatakdang makisanib si Manila Mayor Isko Moreno sa partido ni Pasig City Mayor Vico Sotto na Aksyon Demokratiko.

Ito mismo ang kinumpirma ng isang opisyal ng partido.

Ayon kay Aksyon Demokratiko secretary general Ernest Ramel Jr na manunumpa sa mga susunod na araw si Moreno kay Atty. Robbie Pierre Roco ang anak ng founder ng partido na si dating senador Raul Roco.

Umalis na si Moreno sa National Unity Party at makikisanib ito kay Sotto na siyang executive vice president ng Aksyon Demokratiko.

Magugunitang inanunsiyo ni Moreno noon pang Hunyo na tatakbo ito sa 2022 eleksyon subalit hindi pa binanggit kung anong posisyon ang tatakbuhan.