-- Advertisements --

JB1

Surpresang naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) si Mayor Joy Belmonte kanina kasama si Vice Mayor Gian Sotto bilang kaniyang running mate sa ilalim ng Serbisyo sa Bayan Party.

Si Belmonte ay tatakbo muli bilang alkalde ng siyudad para sa kaniyang ikalawang termino.

Alas-8:00 kaninang umaga ng mag file ng kaniyang COC sa Comelec Office sa may Eton Centris si Belmonte kasama ang kaniyang running mate na si Vice Mayor Sotto.

Umaasa si Mayor Belmonte na ngayong nakapaghain na siya ng kaniyang kandidatura, na susuportahan pa rin siya ng mga QCitizens at mailuklok siya uli sa pwesto.

Ipinagmamalaki naman ni Mayor Joy ang mga programa at proyekto na kaniyang nagawa para sa siyudad kung saan mga QCitizens ang nakinabang.

Hangad din ng alkalde na magiging maayos, malinis at tapat ang halalan.