-- Advertisements --

Cebu City- Pinuri ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7).

Ito’y kaugnay sa succesful drug operation ng ahensya noong Agosto 15, Sabado ng gabi kung saan nasabat ang halos 13 kilos ng shabu na umabot P88-M ang halaga.

Nagpaabot ng sulat si Labella kay PDEA-7 Regional Director III Levi Ortiz kung saan nakasaad dito ang paputi ng alkalde sa director at sa mga personnel nito.

Kompyansa rin umano ang mayor na kahit paman nakatutok ang city govt sa covid-19 pandemic response patuloy pa rin ang kampanya laban sa droga sa lungsod nga Cebu.

Kaya naman sa matagumpay na operasyon na ito ng PDEA-7a patuloy rin ang pagtiwala ni Labella sa ahenysa at nangako itong susuportahan ang ahensya sa abot ng kanilang makakaya.