-- Advertisements --

cayetano

Pinatitiyak ni Taguig City Mayor Lino Cayetano sa lahat ng mga department heads na siguraduhing patuloy na nabibigyan ng “efficient service” ang kanilang mga constituents sa kabila ng nararanasang Covid-19 pandemic.

Sa isang ManCom meeting na ipinatawag ng alkalde ngayong araw kasama ang ibat ibang department heads, inilatag ni Mayor Lino ang kaniyang mga plano para sa siyudad.

Kaniyang binigyang-diin na ang susi para maging tagumpay ang pagtugon sa nakamamatay na virus ay kailangan ng mabilis at decisive government action na naka angkla sa kambal na prinsipyo gaya ng pagkakaroon ng mabilis at accessible government service at ang striktong pagtupad sa protocols.

“Our focus during this period will be taking care of our citizens by capacitating them with a deeper understanding of the virus and how to manage cases including access to all our services like testing, telemedicine, delivery of medicine and vaccination,” pahayag ni Mayor Lino.

Binigyang-diin ni Mayor Lino sa mga department heads na ipagpatuloy ang pagbibigay ng magandang serbisyo sa kanilang mga constituents lalo na ngayon na nasa pandemya parin ang bansa at siguraduhin na nabibigyan ang pangangailangan ng mga ito.

Inatasan din ng alkalde si Taguig City Administrator Atty. Lyle Pasco na magsagawa ng audit at i-check ang progress sa kanilang Taguig 2025 plan.

Ang nasabing plano ay naka pokus sa Taguig’s full transition para sa isang highly sustainable city at magiging more resilient sa pandemics at sa iba pang mga pressing problems na kahaharapin ng siyudad sa hinaharap.

Nakapaloob sa Taguig 2025 plan ang proper resource management and food security, climate change and disaster mitigation, economic development and affordable housing, accessible healthcare and advanced medical technology,citizen-centered approach to governance and digitization of government services, bridging education and employment through technology and education, and building an accessible and convenient mass transportation system.

Sa kabilang dako, inanunsiyo din ng alkalde na siya ay nagpositibo sa antigen test at kasalukuyang nasa isolation at may nararanasang mild symptoms.

Siniguro naman ni Mayor Lino na magpapatuloy sa pagta trabaho habang nasa isolation.

“Moving from pandemic to endemic, making the virus endemic, getting used to living with it is up to us, on how fast we act and adjust. Government must lead in this transition,” wika ni Mayor Lino.