-- Advertisements --

ILOILO CITY – Makikipagpulong si Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga Local Government Unit (LGUs) sa Western Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na unang pupulungin ni Magalong ang contact tracing group sa lungsod at isusunod ang ibang lugar sa rehiyon.

Positibo naman si Treñas na marami silang matututunan sa gagawing presentation ni Magalong.

Nagapag-alaman na una nang tiniyak ni Magalong na babaguhin ang pamamaraan ng contract tracing system sa bansa kung saan ito ay tatawaging “contact tracing ecosystem” na binubuo ng law enforcement investigators.