Iginagalang ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang kapasyahan na tumututol sa pagbibigay autoridad sa kanya na pumasok sa isang kasunduan para sa libreng proyektong Dredging sa lungsod.
Ani Matabalao, demokrasya ang umiral sa naturang usapin at aniya iginagalang nya ito dahil mayorya ang di pumabor sa naturang usapin.
Ang proposed resolution ni Committee on Laws Chairman Councilor at Acting Vice Mayor Florante Popoy Formento ay inulan ng pagtutol ng mga konsehales kayat humantong na sa division of the house ang pagpasa ng nasabing resolusyon.
Anim ang tumutol sa naturang resolusyon at ang anim na ito ay sina Konsehal Kusin Taha, Gabby Usman, Hunyn Abu, Marouf Pasawiran, Henjie Ali at SKF President Noriel Pasawiran.
Apat naman ang pumabot sa proyekto kabilang na ang mga konsehales na sina Formento, Juanday, Lim at ABC President Adtong.
Nagabstain naman sina konsehal Jay Jay Guiani at IP Rep. Campong.
Matatandaang naging mainit ang talakayan ng mga konsehales sa naturang usapin sa naging sesyon kahapon araw ng Martes.