-- Advertisements --

LAOAG CITY – Pabor si Mayor Michael Marcos Keon na idaos ang Balikatan Exercises sa Brgy. Lapaz, lungsod ng Laoag dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ang dahilan aniya kung bakit niya pinapayagan ang aktibidad na isagawa sa lungsod ay dapat igalang ng mga mamamayan ng Republic of China ang teritoryo at integridad ng Republic of the Philippines.

Marami na aniyang ginagawang hindi maganda ang China tulad ng panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino kabilang na ang Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Dahil dito, ipinaliwanag niya na kailangang magpadala ng mensahe sa China para ipakita sa kanila na dapat nilang igalang ang maritime waters ng bansa.

Sinabi niya na ang isyu ay hindi China kundi ang Chinese Government na nangangailangan ng mas mahusay na pagpapatupad ng mga hakbang ng gobyerno.

Sinabi ni Mayor Keon na nirerespeto niya ang China lalo na’t bumisita siya sa China noong nakaraan kasama si dating Ilocos Norte Governor ngunit ngayon ay si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung saan sila nagpunta sa Shandong Province sa nasabing bansa.

Inihayag niya na aabot sa 16 na libong tropa ng Pilipinas at Estados Unidos ang lalahok sa mga larong pandigma.

Idinagdag niya na noong nakaraang taon ay nilagdaan ang isang sisterhood agreement sa Huangshan City.

Una rito, nagsimula kahapon ang pinakamalaking Balikatan joint military exercises 2024 sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at United States military.