-- Advertisements --

Inagahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pakikipagpulong kay Bishop Broderick Pabillo, Manila Archdiocese’s apostolic administrator, upang paghandaan ang nalalapit na tradisyunal na simbang gabi sa Disyembre at Pista ng Nazareno sa buwan ng Enero.

Napag-kasunduan na magkakaroon ng misa de gallo subalit magiging limitado lamang ang bilang na dadalo.

Ibinunyag din ni Pabillo na hihilingin niya sa gobyerno na magkaroon ng karagdagang bilang na papayagan na makadalo sa mga misa.

Sa kahandaan naman sa piyesta na Itim na Nazareno ay magsasagawa pa ng karagdagang pulong si Mayor Moreno para sa nasabing okasyon.