-- Advertisements --

Pinuri ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mamamayan nito na pumila para magpabakuna kahit masama ang panahon.

Sinabi nito na talagang nais ng mga batang Maynila ng proteksyon sa virus kaya sila ay pumila kahit mayroong sama ng panahon.

Dagdag pa nito na hindi titigil ang pagpapabakuna sa kanilang residente kahit na sila ay batikusin.

Nauna rito pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapapila ng Manila City government sa mga nais magpabakuna kahit na bumabaha at malakas na pag-ulan.