-- Advertisements --

Tinitignan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) na matapos ang posibilidad na ang salarin sa pagpaslang kay Rizal Mayor Joel Ruma sa Cagayan ay isa umanong sniper.

Sa isang pulong balitaan kanina sa Camp Crame, inunsyo ni PNP Public Information Office Chief Col. Radulf Tuaño na isang tama lamang ng kalibre 5.56 ang siyang tumama sa kanang balikat ng bitima at tumagos sa likurang bahagi ng katawan nito.

Narekober din ang isang basyo ng bala sa lugar na maaari umanong pinwestuhan ng gunman para barilin ang incumbent Mayor.

Samantala, patuloy naman na iniimbestighan ng pulisya kung nakipagpalitan nga ba ng putok ng baril ang 4 na local police security dahil napagalaman ding mayroong tatalong indibidwal ang sugatan sa insidente.

Ang apat na pulis ay nakatakda namang isailalim sa paraffin test kasama na ang mga service firearm nito upang matiyak kung nagpaputok din ng baril ang mga naturang indibidwal.

Kaugnay nito ay bumuo na ng isang Special Investigation Task Group ang PNP-PRO II para matutukan ng husto ang insidente.