-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang kinalaman sa naging pagtulong ng isang alkalde sa 22 mangingisdang sinagasaan ng Chinese vessel ang ipinataw na suspensyon dito.
Ayon kay DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya, pinatawan ng 90 araw na suspensyon si San Jose, Occidental Mindoro Mayor Romulo Festin dahil sa kaso nito sa Sandiganbayan.
Nag-ugat umano ang usapin sa graft charges ni Festin dahil sa kinikuwestyong computerization sa kanilang bayan.
Sa kasalukuyan, umaakto bilang OIC ng mayor’s office si Vice Mayor Roderick Agas.