BUTUAN CITY – Pinapasuspende ng Sandiganbayan Second Division ng 90-araw si Bislig City, Surigao del Sur Mayor Librado Navarro dahil sa pending na kasong graft may kaugnayan na sa ma-anomaliyang pag-purchase ng isang hydraulic excavator noong 2012 sa halagang 14.75-milyong piso.
Napag-alamang na-purchase ni Navarro kasama ang iba pang mga city officials ang Komatsu crawler-type hydraulic excavator mula sa RDAK Transport Equipment Inc. noong Hulyo a-18, 2012.
Base sa evaluation report ng Commission on Audit (COA) na-award ang nasabing proyekto sa RDAK sa kabila ng non-compliance sa mga technical specifications kaugnay sa engine power, bucket capacity, at operating weight nito.
Dahil sa nasabing anomaliya ay nagpalabas ang COA ng Notice of Disallowance noong Oktubre a-23, 2012 lalo na nang madiskubreng walang naipresenta ang RDAK na specification sa Komatsu unit sa kanilang bid.
Matatandang sa ginanap na arraignment noong Agusto a-10, 2018, nag-plead not guilty sa naturang kaso si Navarro kung kaya’t nag-isyu na naman ang anti-graft court ng resolusyon noong Nobyembre a-22 na nagbigay sa kanya ng 15-araw upang ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi siya isasa-ilalim sa preventive suspension ilalim sa provisions ng Section 13 of R.A. 3019.
Dahil dito’y nagpalabas ang anti-graft court ng cease and desist order na nagbabawal ngayon kay Navarro pag-perform ng kanyang mga functions, duties, at privileges ng posisyon bilang mayor ng Bislig, Surigao del Sur, o kahit na anumang public office o posisyon.
Napag-alamang ini-utos din ang pagpapa-dismiss kay Navarro kasama sina Bids and Awards Committee (BAC) chairman Charlito Lerog (City Administrator); BAC members City Treasurer Roberto Viduya, City Planning Development Coordinator Aprodecio Alba Jr., General Services Officer Felipe Sabaldan Jr., City Budget Officer-in-Charge (OIC) Belma Lomantas, OIC-City Engineer Lorna Salgado, at City Legal Officer Daisy Ronquillo.
Na-dismiss na sina Technical Working Group (TWG) members City Accountant Raquel Bautista, Gilbert Abugan, Laila Manlucob, at Estefa Mata.
Maliban sa dismissal ay pinapatawan din sila ng accessory penalties sa kanselasyon ng eligibility, forfeiture ng kanilang retirement benefits at perpetual disqualification para sa kanilang re-employment sa government service.
Ang limang pahinang resolution ay pinirmahan ni Chairperson Oscar Herrera Jr. kasama ang concurrence nina Associate Justice Michael Frederick Musngi at Lorifel Pahimna.
-- Advertisements --