-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Fully-vaccinated na ang mayor sa bayan ng Claver, Surigao del Norte na si Georgia Gokiangkee matapos itong maturukan ng pangalawang dose kanina kasama ang iba pang mga senior citizens.

Ayon sa mayor, ito ang matagal na nilang hinihintay simula pa nitong nakaraang taon kung kaya’t nang matapos ang pagturok sa kanya ng pangalawang dose kanina ay kaagad itong nanawagan ang lahat ang mga senior citizens sa kanilang bayan na i-avail na ito habang sila ngayon ang prayuridad sa nagpapatuloy na roll out.

Ito’y upang mawala na ang kaba sakaling lalabas ng bahay dahil kung mahawa sila ng COVID-19, ay hindi magbibigay sa kanila ng malaking epekto sa kanilang magiging kondisyon.

Aminado si Mayor Gokiangkee na marami sa mga senior citizens sa kanilang bayan at nagdududang magpapabakuna dahil sa mga maling impormasyong dumating sa kanila rason na nagtutulungan sila sa kanilang information drive upang makumbinsi kaagad ang mga matatanda sa kanilang bayan na magpaturok na.

Ito rin ang rason na una siyang nagpaturok upang mapasunod ang mga seniors na gayahin siyang ina-avail ang naturang bakuna habang may sapat pang supply para sa kanila.