DAVAO CITY – Kinumpirma mismo ni Santo Tomas Mayor Ernesto Evangelista na positibo ito sa covid 19, matapos inilabas ng Davao Regional Medical center, Tagum city ang resulta ng kanyang RT-PCR test kahapon.
Siya ang pinaka-unang Mayor ng probinsiya ng davao del Norte na infected ng virus matapus ma-expose sa isang covid 19 patient noong oktobre 14, 2020 na isang abogado at empleyado ng Panabo City davao del Norte LGU.
Pero inamin ni Mayor Evangelista na nahirapan siyang tukuyin kung kanino at saan niya nakuha ang virus dahil sunod-sunod ang kanyang mga lakad sa nakalipas na mga araw.
Kahit nakaranas ang alkalde ng iilang mga simtomas gaya ng lagnat at ubo, pero naka-classify ito bilang mild case dahil sabi ng mga doktor nananatiling normal ang mga vital signs nito, at ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang trabaho sa pamagitan ng virtual meeting.
Nanawagan si Mayor Evangelista sa kanyang mga constituents na ipagdasal ang kanyang agarang paggaling mula sa naturang sakit.
Samantala, suspendido rin sa loob ng dalawang araw ang operasyon ng Munisipyo simula ngayon hanggang bukas upang maiwasan na kumalat ang virus.
Isina-ilalim na rin sa RT-PCR test ang dalawampong mga kawani nito na nakaroon din ng close contact sa naturang abogado.