-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Kinumpirma mismo ng alkalde ng Giporlos, Eastern Samar na nagpositibo siya sa COVID-19.

Una nito, ay direkta inamin ni Giporlos Mayor Gilbert Go na isa siya sa walong bagong kaso ng Covid-19 na naitala sa kanilang munisipalidad noong nakaraang araw.

Ayon kay Mayor Go, na noong nakaraang Oktubre 28 pa siya sumailalim sa home quarantine nang umuwi siya galing Manila para kunin ang ambulansiya na bigay ng PCSO para sa kanilang bayan.

Sa huling araw ng quarantine nito ay nakumpirma naman sa resulta ng kanyang swab test na positibo ito sa nasabing virus.

Mapapagalaman na nakuha niya an virus galing sa kanyang pinsan na bumisita sa kanilang bahay.

Wala naman nararamdamang sintomas si Go at ngayon ay nasa mabuting kalagayan.

Inamin din nito na paralisado ngayon ang kanilang LGU dahil maliban sa nagpositibo siya sa COVID-19, ay nakaquarantine din ang kanilang Vice Mayor ganoon din ang isang konsehala na kumpirmadong natamaan din ng naturang virus.

Sa kabila nito ay siniguro naman ni Go nga bago paman an nasabing pangyayari, ay naproseso na ang operasyon ng kanilang LGU partikular na sa pagbibigay ng relief operations sa kanilang mga residente.

Mapapag-alaman na ngayong araw din nakatakdang isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at hardlockdown ang buong bayan ng Giporlos.