GENERAL SANTOS CITY – Hindi man dinala sa pagamutan subalit sinabi ni Alabel Mayor Vic Paul salarda na asymptomatic siya habang nasa isolation facility ng Sarangani province.
Naging dahilan umano nito ang pakipag-usap ng mahigit isang oras sa kanyang bisita nagdaang araw.
Ayon pa nito kinabukasan kaagad itong nagkatrangkaso at nasundan pa ng pagkawala ng kanyang panlasa.
Dahil sa nasabing sitwasyon nagka COVID rin ang kanyang asawa at isang empliyado ng munisipyo na kanyang kasama ngayon.
Nagpasalamat naman si Salarda na hindi tinamaan ng virus ang ibang myembro ng pamilya. Nalaman na COVID positive pala ang bisita ng Mayor kayat inilagay sa isolation facility ang iba pang empliyado ng munisipyo na nagka close contact sa nasabing bisita.
Si Salarda ang pangalawang Mayor ng Sarangani province na tinamaan ng COVOD 19 matapos nagka COVID 19 si Mayor Jun Sumbo ng bayan ng Malapatan .