CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay sa nangyaring pamamaril si Libungan, Cotabato Mayor Christopher “Amping” dakong alas-10:25 ng umaga kanina.
Ayon sa ulat ng pulisya, maaga pa umanong naglibot si Mayor Cuan sa kanyang mga proyekto sa Barangay Cabaruyan, Libungan nang tambangan ito ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang matataas na uri ng armas.
Naisugod pa sa pagamutan si Mayor Cuan at ang kanyang driver ngunit kapwa sila binawian ng buhay.
Sinasabing nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si Mayor Cuan at driver nya na si alyas Tawe.
Bago ito, una nang binaril si Cuan sa harap ng municipal hall noong nakalipas na taon ngunit hindi ito tinamaan.
Inamin mismo ni Mayor Cuan na marami na siyang banta sa buhay pero hindi siya takot dahil wala naman daw siyang atraso o kaaway.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang puspusang imbestigasyon ng Libungan Cotabato PNP sa nangyaring insidente.