-- Advertisements --
image 673

Humiling ng dagdag na presensya ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Socorro, Surigao Del Norte ang mismong alkade nito na si Mayor Riza Rafonselle Timcang.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyong ikinakasa ng mga pamahalaan laban sa umano’y “cult activities” sa Socorro Bayanihan Services, Inc. sa kabundukan ng Surigao Del Norte.

Ayon kay Mayor Timcang, talagang kumakaharap ngayon sa mga banta at karahasan ang kanilang lugar mula sa galit na miyembro ng naturang grupo na una nang nagprotesta upang tuligsain ang mga alegasyong ipinupukol sa kanilang grupo at ng leader nito na si Jay Rence Quilario na kilala rin bilang “Senior Agila”.

Dahit dito ay nanawagan ngayon sa PNP at AFP ang alkalde na magdeploy pa ng dagdag na puwersa sa kanilang lugar lalo na’t papalapit na ang isasagawang pagdinig ng Senado ukol dito sa darating na Setyembre 28, 2023.

Kung maaalala, ang mga alegasyong kinakaharap ng Socorro Bayanihan Services, Inc. ay nag-ugat sa pagbubulgar ni Se. Riza Hontiveroz na ito ay kulto at umano’y pinatatakbo ng mga armado at makapangyarihang personalidad sa lugar na hinihinala namang sangkot din sa operasyon ng ilegal na droga at nambiktima ng nasa mahigit 1,000 mga menor de edad na nakaranas ng violence, child abuse, at forced marriage.