-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Naka-isolate na ngayon si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez matapos na magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay City Health Office head Dra. Gloria Fabrigas, nakaranas ng mga sintomas ang naturang alkalde na agad namang sumailalim sa swab test kung saan ito ay nagpositibo.
Sa ngayon nasa stable ang kondisyon ng mayor habang agad namang sinimulan ang pagsagawa ng contact tracing.
Napag-alaman na nasa 1,107 ang active cases ng COVID-19 sa rehiyon ng Eastern Visayas.