-- Advertisements --

Natagpuan ng mga awtoridad sa Ukraine ang katawan ng limang sibilyan kabilang ang mayor at asawa’t anak nito na nakatali pa ang mga kamay sa isang village sa western part ng Kyiv.

Ayon sa mga awtoridad, ang apat na narekober na katawan kabilang ang alkalde ay bahagyang nakabaon sa lupa sa isang kagubatan malapit sa bahay nito sa Motyzhyn.

Ang isa namang bangkay ay narekober mula sa isang maliit na balon na nasa isang harden.

Ang dalawang kalalakihan naman na hindi parte ng pamilya ng alkalde ay nakatali ang kanilang mga kamay sa kanilang likuran.

Natukoy ang mayor na si Olga Sukhenko, 50, na dinakip ng Russian troops kasama ang kaniyang asawa’t anak noong Marso 24 matapos na tumangging makipag-cooperate sa pwersa ng Russia.

Nito lamang ding nakaraang araw nadiskubre ang mga bangkay ng daan-daang mga sibilyang Ukrainians na nagkalat sa mga kalsada at sa mass graves o libingan na pinaniniwalaang biktima uamno ng massacre ng Russian forces.