-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang alkalde ng Sibalom, Antique na si Mayor Gian Carlo Occeña.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Occeña, sinabi nito na sumailalim siya sa RT-PCR test noong Abril 3, 2021 at makaraan ang isang araw ay lumabas ang resulta at nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon sa alkalde, na-expose ito sa virus noong Marso 23, 2021 sa dinaluhang isang pagpupulong at nakaranas ito ng ilang sintomas katulad ng pagkati ng lalamunan, lagnat, ubo at hirap sa paghinga.

Na-confine sa ospital si Occeña ngunit nasa stable na ang kalagayan.

Si Occeña ang pinakaunang alkalde sa Antique na nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon mayroon nang 27 active cases ng COVID-19 ang Sibalom, Antique na pangalawa sa mga bayan na may pinakamataas na active cases sa nasabing lalawigan kasunod ng San Jose na mayroong 69.