-- Advertisements --
mayor piat ppe covid

TUGUEGARAO CITY – Kinumpirma ni Mayor Carmelo Villacete ng Piat, Cagayan na nagpositibo siya sa Coronavirus 2019 (COVID-19).

Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat ang alkalde sa ipinapakitang suporta, pagdarasal at pang-unawa mula sa kanyang mga kababayan sa kabila ng kanyang karamdaman.

Kasabay nito, inanunsiyo ng Department of Health (DOH-2) ang ika-21 kaso ng nagpositibo sa naturang sakit na si PH2764, 57-anyos na may travel history sa Maynila.

Nagsimula aniyang nakaramdam ng sintomas ang pasyente noong March 7, 2020 hanggang sa nagpa-admit ito sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) noong March 26 at nakuhanan ng specimen sa parehong araw.

Nitong araw nang lumabas ang resulta na positibo ito sa virus kung saan maayos naman umano ang kanyang kalagayan.

mayor piat covid

Samantala, sinabi ng DOH na anim na ang gumaling sa COVID-19 sa rehiyon kung saan tatlo na ang nakalabas sa pagamutan.