-- Advertisements --

CEBU CITY – Nagpapasalamat si Barili, Cebu mayor Julito Flores sa matagumpay na pagsasagawa ng Dugong Bombo 2020: The New Normal Edition noong nakaraang weekend.

Ito’y alinsunod sa malugod na pagtanggap ng mga residente sa misyon ng Bombo Radyo Philippines na mangalap ng dugo para sa mga nangangailangan nitong panahon ng pandemya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo sa alkalde, sinabi nito na kusang-loob na sumali ang mga residente sa bloodletting activity kahit sila ay abala umano sa mga gawain.

Dagdag pa ni Flores na naging matagumpay ang unang bugso ng nasabing activity dahil sa nabuong commitment ng istasyon at ng LGU sa pamamagitan ng yumaong alkalde na si Marlon Garcia.

Napag-alamang naging madali ang proseso sa pagdonate ng dugo nang dahil, aniya, sa malusog na pangangatawan ng mga residente.

Hiling ngayon ni Flores na magkaisa ang lahat ngayong panahon ng pandemya upang makabangon.