-- Advertisements --
mayor ahong
Lapu-Lapu City Mayor Jonard Ahong Chan

(Update) CEBU CITY – Pinaiimbestigahan ngayon ni Lapu-Lapu City Mayor Jonard Ahong Chan ang isang home care sa kaniyang lungsod.

Ito ay matapos magreklamo at sumulat sa kanya ang mga female minors ng home care na umano’y minamaltrato sila roon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Mayor Chan, sinabi nito na nakasaad umano sa sulat na hind inaalagan ng maayos ang mga nasabing minors.

Kinukulang umano ang kanilang mga “toiletries” gaya ng sabon kung saan kalahati lang umano ang ipinapagamit sa loob ng isang buwan.

Pati pa dalawang sachet na shampoo ay gagamitin din sa loob ng isang buwan.

Maliban nito, madalas din umanong ipinapakain ng sardinas ang mga bata at minsan ay panis pa.

Bunsod nito, bilang pagpoprotesta, naglalaslas na raw ng kanilang mga pulso ilan sa mga minors.

Dahil dito, inilipat na ng mayor ang head ng nasabing home care at pinaiimbestigahan na rin ito kasama ang DSWD.

Giit naman ni Mayor Chan na hindi maaaring minamaltrato ang mga kabataan at hindi ganito ang dapat na pag-aalaga sa mga home care.

Kailangan umano ang pagmamahal at maayos na pag-aaruga.