-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpasaklolo sa Bombo Radyo ang alkalde ng Buenavista, Guimaras matapos ginamit ng scammer ang kanyang pangalan sa panloloko.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Eugene Reyes, sinabi nito na tatlong mga restaurant ang nakatanggap ng tawag at umorder ng mga pagkain.

Ayon kay Reyes, isang restaurant na pagmamay-ari ng anak ng konsehal ng nasabing bayan ang nabiktima ng scammer at nag-order na libu-libong piso ang halaga.

Maliban dito, may nag-order din ng milktea, french fries, nachos, at sisig sa ibang restaurant mula sa kaparehong numero at nagpanggap na inutusan sila ng alkalde.

Nagbabala naman ang alkalde na pananagutin nito ang sumira sa kanyang pangalan.