-- Advertisements --
(Update) LAOAG CITY – Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong sexual harassment si Mayor Joseph de Lara sa Solsona, Ilocos Norte.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Diosdado Araoz, head ng NBI sa lungsod ng Laoag.
Ang kaso ni De Lara ay nag-ugat sa paghawak umano niya sa dibdib ng isang dalagang nag-apply ng trabaho sa munisipyo sa bayan ng Solsona.
Sinabi ni Araoz na ang ganitong kaso ay hindi na nila kailangan ng ibang testigo kundi ang testimonya lamang ng mismong biktima.
Una rito, sa interview ng Bombo Radyo Laoag sa alkalde ay mahigpit na pinabulaanan nito ang alegasyon sa kanya at naniniwala na ito ay “politically motivated.”