-- Advertisements --

ILOILO CITY – Malaki ang paniniwala ng pamilya ni San Dionisio, Iloilo Mayor Peter Paul Lopez na may kaugnayan sa politika ang pag-ugnay sa kanilang pamilya sa pagpatay sa negosyante sa Iloilo na natagpuang naaagnas na sa loob ng kaniyang sasakyan sa Brgy. Inangayan Sta. Barbara, Iloilo.

Ang biktima ay si Claire Diergos, 36, residente ng Deca Homes Subdivision, Pavia, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Dwight Trasadas, legal counsel ng pamilya Lopez, sinabi nito na kapag malapit na ang eleksyon, kadalasan na may nangyayaring batuhan ng mga isyu at ang pamilya ng alkalde ang tinuturong nasa likod ng mga hindi magandang pangyayari.

Ayon kay Trasadas, paraan lang ito ng kanilang mga kaaway sa politika upang sirain ang kanilang pangalan.

Napag-alaman na ang misis ang alkalde na si Sally Lopez na isa rin sa mga suspek sa krimen at tumakbong bise alkalde sa San Dionisio, Iloilo.