-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 si Sta. Barbara, Iloilo Mayor Rema Somo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Somo, sinabi nito na nagpositibo rin sa COVID-19 ang kanyang mister at anak na lalaki.
Nagpapatuloy naman ngayon ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng alkalde.
Sa ngayon nakaquarantine na si Somo kasama ang kanyang pamilya na fully vaccinated na rin.