-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapagaling pa sa opsital si New Lucena, Iloilo Mayor Liecel Mondejar Seville matapos nagpositibo sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Seville, sinabi nito na nakaranas siya ng sintomas sang COVID-19 kagaya ng pag-ubo.

Kaagad siyang sumailalim sa RT-PCR test at nakumpirma na nagpositibo siya sa COVID-19.

Isinailalim rin sa swab test ang 27 na mga nakaclose contact ng alkalde at lahat sa mga ito ay nagnegatibo sa swab test.

Sa ngayon nakalockdown ang Mayors office sa bayan ng New Lucena, Iloilo.