(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Malaki ang paniniwala ni Claveria Mayor Mariluna Salvaleon Abrogar na mababasura lang ang kasong illegal possession of firearmas o pagpabag sa Omnibus Election Code na isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa kanyang ina at kapatid sa korte.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi nito na bailable ang kaso at naniwala siyang makapagpiyansa sila ngayong araw.
Igiit ni Mayor Abrogar na mahina ang kasong isinampa ng mga pulis laban sa kanyang ina na si Getrudes Salvaleon at kapatid na si Reagan Salvaleon dahil wala naman umanong mga armas ang nakuha sa kanilang bahay.
Una nito, nahuli ng CIDG-MisOr team ang mag-ina kasama ng anim na CAFGU members nang isilbi ang search warrant sa Barangay Malagana, Claveria, Misamis Oriental.