-- Advertisements --

DAVAO CITY – Walang balak si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na magsampa ng kaso sa naarestong lalaki na umano’y nag-upload ng mga videos na nag-uugnay sa pamilyang Duterte sa narcotics trade.

Ang mga Youtube clips na may titulong “Totoong Narco-list” ay nagpapakita na ang drug money ay ipinapasok sa bank accounts ng mister ni Mayor Sara na si Atty. Manases Carpio; kanyang kapatid na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte; at Christopher Go, na dating aide ni President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra nahuli ang suspect matapos isilbi ang search warrant laban dito.