DAVAO CITY – Nilinaw ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio na wala umanong katotohanan ang pahayag ni Surigao del Sur, 1st District Rep. Prospero Pichay na kanyang inirekomenda si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang sunod na speaker ng House of Representative.
Kung itinaas umano niya ang kamay nito sa kasagsagan ng isinagawang rally sa Tacloban, ginawa lamang daw ito ng alkalde dahil gaya umano ni Marinduque, Lone District. Rep. Lord Allan Velasco, sinuportahan din ni Romualdez ang mga agenda ni Pangulong Duterte.
Samantala iginiit din ni Mayor Inday na wala siyang intensiyon na tanggapin ang pakikipagbati sa kanya ni Davao del Norte, 1st District. Rep. Pantaleon Alvarez dahil nakita raw nitong kulang ng senseridad ang mambabatas.
Napag-alaman din ng alkalde na matapos umanong manalo ni Alvarez sa midterm election, nagbitaw pa raw ito ng pahayag na “Ipapahiya ko si Sara.â€
Sinabi rin ni Mayor Inday na tama umano si Taguig Cong.-elect Alan Peter Cayetano na hindi ito lumapit sa kanya para hingin ang kanyang endorsement ng bumisita ito sa Davao para makigpag-usap sa kanya noong nakaraang taon.
Ngunit binalaan umano siya ni Cayetano na masisira ang “grupo†at makakaapekto sa presidential elections sa 2022.
Nang matanong naman si Mayor Inday patungkol sa interes ni Rep.-elect Paolo Duterte na maging speaker ng House of Representatives, mas mabuti umano na ang kanyang ama na ang sumagot nito lalo na at ito ang Pangulo ng bansa at wala siya sa posisyon para magbigay ng opinyon.
Kahit may personal umano siyang napili, ayaw niyang maimpluwensiyahan ang kongreso.
Mas mabuti umano na ang mga bagong napiling miyembro ng Kamara ang magdesisyon sa mga interesado sa magiging susunod na House speaker basta’t ang importante daw ay maipatupad ang “good governance” at may positibong pagbabago sa kongreso, sa mga Pilipino at sa buong bansa.