-- Advertisements --

Ibinahagi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pinag-usapan nila ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi nito na handang tumulong ang kaniyang regional party na Hugpong ng Pagbabago para sa kandidatura sa pagkapangulo ni Marcos.

Itinanggi nito ang naging usapin na magkakaroon sila ng tandem sa 2022 elections.

Magugunitang ibinahagi ng presidential daughter ang larawan nila ni Marcos ng magkasabay silang nagtungo sa Cebu City.