-- Advertisements --

Hindi na umano tatakbong pangulo ng bansa sa darating na halalan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Liloan Mayor Christina Frasco, tatakbo muli siya sa pagka-alkalde ng lungsod sa darating 2022 elections.

Isinagawa ni Frasco ang pahayag isang araw matapos na ipahayag ng Davao City mayor ang suporta nito sa amang si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo sa pagka-bise presidente ng bansa sa 2022 elections.

Nauna ng naging alkalde si Duterte mula 2010 hanggang 2013 at ito ay nahalal muli noong 2016.

Magugunitang ilang grupo ang nanghihikayat sa alkalde na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa sa 2022 elections.