-- Advertisements --

Wala umanong balak si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na maging standard bearer ng ruling party na Partido Demokartiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sinabi ng kaniyang tagapagsalita na si Liloan Mayor Christina Garcia Frasco, hindi kailanman ninais ng presidential daughter na maging standard bearer ng nasabing partido.

Naghain na aniya ito ng kandidatura para sa muling pagtakbo sa pagka-alkalde ng Davao at hindi bilang miyembro ng PDP-Laban.

Nauna nang sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na wala pa silang standard bearer para sa 2022 elections.