-- Advertisements --

DAVAO CITY – Humihingi muna ngayon ng privacy ang pamilya ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, naka-isolate pa rin si Mayor Inday at ilang mga miyembro ng pamilya nito.

Una ng inihayag ng Mayor na mild symptoms lamang ang kanyang naramdaman.

Pinayuhan rin nito ang publiko na iwasan muna ang pagpapadala ng mga tokens at well wishes habang patuloy ang kanilang isolation.

Sinabi rin ng alkalde na kailangan sumailalim sa 14 day quarantine at mag self monitor ang mga huli niyang nakasalamuha at bantayan ang sarili kung may maramdaman na mga sintomas ng Covid-19.

Mas mabuti rin umano na sumailalim ang mga ito sa RT-PCR test pati na ang mga nakasalamuha ng alkalde sa nakalipas na lima hanggang pitong araw bago ito magpositibo.

Kung maalala, una ng sinabi ni Mayor Inday na hindi natuloy ang kanyang medical leave noong Oktubre 5 hanggang 8 matapos na isa sa kanyang mga kasamahan ang nagpositibo hanggang sa sinabi nito na siya na mismo ang nahawa ng virus.