DAVAO CITY – Sang-ayon si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa pagpapatigil ng isinagawang Martial Law hanggang sa huling bahagi ng buwan ng Disyembre kasabay ng pinabubulaanang maaari itong magbigay ng kabutihan alang na sa ekonomiya ng Davao City.
Ayon kay Mayor Inday na ang lifting o pagkuha ng Martial Law ang maghihikayat na mas maparami ang mga foreign tourist at mga investors sa syudad ng Davao.
Inangkin naman nito na ang pagde-deklara ng Martial Law ang dahilan sa negatibong epekto sa syudad lalo na noong magplabas ng mga travel bans ang mga foreign countries kabilang na ang Canada, kung saan nagda-dalawang isip na ang mga turista sa pagbisita at pagbuo ng kanilang puhunan.
Dagdag pa ng mayora na mas malaki ang epekto sa mga foreign investments sa pagde-deklara ng Martial Law.
Samantala, kahit na ipapatigil na ang Martial Law, ipinalabas ng City Council ang isang resolution na nag-uutos sa PNP na ipagpatuloy lamang ang suspension ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa loob ng isang taon.
Ayon kay Mayor Inday na ang suspension ng PTCFOR ay isang epektibong paraan sa pagpapanatili ng peace and order ng syudad kahit wala ng Martial Law.