-- Advertisements --

Naghayag na ng suporta si Davao City Mayor Sara Duterte sa kandidatura ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbong bise presidente sa susunod na taon.

Sa kaniyang social media account ay nag-post ito ng video na hinihiling sa mga supporters sa suportahan ang kandidatura ng ama.

Pinasalamatan niya ang kaniyang mga supporters sa iba’t ibang panig ng bansa na nanghihikayat na ito ay tumakbo bilang pangulo ng bansa.

Magugunitang makailang beses na inihayag na rin ng alkalde na hindi ito interesado sa pagtakbo sa pangkapangulo pagdating ng 2022 elections.