-- Advertisements --

Itinanggi ni Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio na may plano itong palitan si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr kapag na-disqualify sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Dagdag pa nito na hindi pumasok sa kaniyang isip ang nasabing pagpalit kay Marcos Jr.

Naniniwala pa rin ito na hindi madi-disqualify si Marcos Jr.

Wala aniyang basehan ang mga kaso laban kay Marcos Jr.