DAVAO CITY – Itinanggi ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang naging pahayag ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na may nangyaring pag-uusap sa kanila ni Sen. Imee at hindi rin umano mangyayari na magiging Vice President niya ito sa darating na eleksiyon sa susunod na taon.
Nabatid na una ng nagpahayag si Sen. Marcos na “marriage made in heaven,” ang team up ng dalawa kung sakaling si Mayor Inday ang tatakbo bilang Pangulo.
Isa sa mga naging basehan nito ay hawak umano ng mga Duterte ang solid South habang solid North naman ang mga Marcos.
Matatandaan na noong buwan ng Mayo, ay bumisita ang magkapatid NA Imee at dating Sen. Bongbong Marcos sa Davao para personal na batiin sa kanyang kaarawan si Davao City Mayor Inday Sara.
Maliban sa dalawa, nauna na rin na lumabas ang impormasyon na posibleng makakatandem rin ni Mayor Inday sina Sen. Sherwin Gatchalian at si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro na makailang beses na rin na bumisita sa lungsod.
Una ng sinabi Mayor Inday na hindi talaga maiiwasan na mapag-usapan ang politika kung may nakikipagkita sa kanya na mga pulitiko.