DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na isa ang City Information Officer na si Jefry Tupas sa mga nasangkot sa isinagawang drug raid sa Munisipalidad ng Mabini sa lalawigan Davao de Oro.
Nabatid na sa nasabing raid, nasa 17 mga indibidwal ang nahuli ngunit hindi lumabas ang pangalan ni Tupas.
Matapos itong masangkot, agad umano na naghain ng kanyang resignation si Tupas ang ipinaalam na na-terminate na ito sa trabaho sa lokal na pamahalaan.
Nabatid na kilala si Tupas sa mga malapit na kaibigan ni Mayor Inday.
Sa kasagsagan ng raid, marami klase ng party drugs gaya ng shabu, marijuana, liquid drugs at ecstacy ang una ng narekober ng otoridad mula sa posisyon ng mga suspek na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.
Pareho na ngayon na nakakulong ang mga suspek at nasampahan na rin nga kaso ang mga ito.