-- Advertisements --

DAVAO CITY – Magpapalabas umano ng sariling disenyo ng barrier si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na siyang gagamitin ng mga motorsiklo sa lungsod nila para sa kanilang back ride.

Katwiran ni Mayor Sara, mahihirapan ang mga driver ng motor sa nauna nang ipinalabas na disenyo na inaprubahan ng national government at ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Bilang isang motorcycle rider, naintindihan umano ni Mayor Sara ang hinaing ng mga nagmamay-ari ng motor, kung kaya naghanap ito ng paraan na ma-comply pa rin ang mandato ng national government na barrier, na mas ligtas at aprubado rin ng mga doktor bilang paraan upang maiwasan ang pagkahawa ng COVID-19.

Samantala, inihayag ng alkalde na hindi mahalaga kung anuman ang relasyon sa pagitan ng driver at ng angkas nito, dahil aniya, ang importante ay nasunod nang tama ang mandato ng gobyerno.