(Update) DAVAO CITY – Magbibigay ng P5,000 na gantimpala si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ngayon ng COVID positive patient na tumakas mula sa kanyang isolation facility noong May 9, 2020.
Ito ay upang mahanap kaagad si Arani Hajiba, 20-24 anyos, residente ng Purok 4 Barangay 23-C lungsod ng Davao kung daan tatlong mga purok ang naunang ni-lockdown matapos mag-positive ang isang residente nito at mamatay ang 25-day old na sanggol.
Nauna na ring nag-alok ng P5,000 ang barangay kapitan nito na si Wating Usman upang maibalik kaagad sa kanyang isolation facility ang naturang pasyente.
Dahil dito, P10,000 na ang kabuuang reward money para kay Hajiba, at inaasahan na marami ang magtutulungan upang ito ay makita sa lalong madaling panahon.
Ipinakalat na ng mga otoridad ang larawan nito upang makatulong sa pagkilala.