-- Advertisements --

DAVAO CITY – Muling nagpaalala si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio laban sa mga gumagamit ng kanyang pangalan sa pamumulitika.

Nabatid na may lumalabas ngayon na video patungkol sa paggamit umano ng eroplano para sa pangangampanya.

Una nang inihayag ng alkalde na hindi siya magdadalawang isip na magsagawa ng legal action laban sa mga supporters na ginagamit ang kanyang pangalan sa personal na transaksiyon.

Sinabi ng akalde na hindi niya kilala ang kumakalat na video na kung saan makikita ang isang Gino, Bong Acquia, at Joseph Ponce na miyembro raw ng Ituloy Ang Pagbabago Movement (IPM) 2022 kung saan nagkakarga ito ng mga campaign materials sa eroplano na kanila umanong gagawin kung tatakbo ni Mayor Inday sa pagka-pangulo sa susunod na taon.

Nabatid na una ng prenisenta sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang grupo ng mga scammers na sinasabing ginamit ang pangalan ng Mayor pati na ang ilang mga officials sa kanilang iligal na mga aktibidad.