DAVAO CITY – Mahigpit na ngayong ipinagbabawal ang pagkanta at ang pag-uusap habang nasa loob ng simbahan sa lungsod ng Davao.
Ito ay base na rin sa inilabas na Executive Order No. 57 ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may titulong “An Order Regulating Mass gatherings and prohibiting non-essential travel within Davao City for other purposes until December 31, 2020.”
Inihayag ni Mayor Sara na layunin lamang nito na mapigilan ang transmission ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga pagtitipon-tipon.
Inilabas ni Mayor Sara ang naturang guidelines matapos matukoy sa contact tracing ng ang mga COVID positive patients ay karamihan sa mga ito ay nakuha ang virus habang dumadalo sa mga mass gatherings gaya ng bithday, inuman, pagkikita ng mga magkakaibigan at kahaintulad pang mga kaganapan.
Samantala, nagpadala rin umano ng sulat ang Archdiocese of Davao sa City Mayor Office na nakikiusap upang babaan ang curfew hour para sa nalalapit na simbang gabi.
Pero inihayag ni Monsignor Paul Quizon na wala pa silang natatanggap na kasagutan mula sa Davao City LGU.
Matatandaan na muling ipinatupad sa lungsod ang mas pinaagang curfew hour simula alas-7:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa lungsod.