-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nanawagan si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa publiko na suportahan ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkandidato nito bilang Bise Presidente sa isasagawang eleksiyon sa susunod na taon.

Ayon pa kay Mayor Inday, nagpasalamat sa siya sa iba’t-ibang mga grupo na nagbigay ng suporta sa kanya para tumakbo sa mas mataas na posisyon ngunit kailangan niya umanong sumunod sa kasunduan nila ng kanyang ama na isa lamang sa kanila ang tatakbo sa mas mataas na posisyon.

Kung maalala, ng ideklara ng partidong PDP-Laban na magiging standard bearer nila sa pagka-bise Presidente si Pangulong Duterte, nagdesisyon agad ito na hindi na tatakbo sa pagka-pangulo.

Una na rin na sinabi ni Mayor Inday na malabong mangyari ang Duterte-Duterte tandem sa susunod na eleksiyon.