-- Advertisements --

DAVAO CITY – Personal na inabot ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang tulong pinansiyal para sa mga biktima ng supertyphon Rolly sa Catanduanes.

Kasama ni Mayor Sara si Davao City Councilor Danilo Dayanghirang at Philippine Councilors League National Chairman Senator Imee Marcos.

Inihayag ni Dayanghirang, kaagad na nakipagpulong si Mayor Sara sa mga opisyal ng Catanduanes LGU nang dumating sa Virac.

Matapos maiabot ng presidential daughter ang P1.5 million na financial assistance kaagad naman itong bumalik ng Metro Manila.

Nauna nang ipinangako ni Mayor Sara na magbibigay ng financial assistance para sa pamilya na apektado ng naturang bagyo mula sa 30% Quick Response Fund ng lungsod ng Dabaw at sa 5% Disaster Risk Reduction and Management Fund (Calamity Fund) ng Davao City LGU.

Matatandaan na nagbigay din ang Davao city LGU ng P700,000 na financial assistance sa northern at Eastern Samar na tinamaan ng bagyong Ambo noong buwan lamang ng Hunyo, 2020.