DAVAO CITY – Pinaninindigan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio isang Duterte lamang ang tatakbo bilang pangulo sa 2022 Local and National elections.
Ito ang kumpirma ni Mayor Inday kahapon kasabay ng isinagawang oathtaking sa Davao del Norte members ng regional party ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Carmen sa nasabing lalawigan.
Nakiisa si Mayor Inday bilang chairperson ng partido sa nasabing aktibidad sa pamamagitan ng virtual o online.
Nagpapasalamat ang alkalde sa mga miyembro ng partido lalo na ang pagbibigay ng suporta sa kasalukuyang administrasyon.
Sinabi rin ni Mayor Inday na muli siyang tatakbo bilang alkalde ng lungsod sa 2022 elections.
Nagpahayag rin ito ng pasasalamat sa 700 parallel groups na nagkaisa sa kanilang panawagan na kumandidato bilang Pangulo ng bansa.
Inaabangan rin ngayon ang susunod na hakbang ni Mayor Inday kahit na una na nitong sinabi na maghahain siya ng leave of absence kasabay ng pagsisimula sa paghahain ng Certificate of Candidacy ng mg